Karagdagang 2 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas

Dumating noong Huwebes, ika-24 ng Hunyo, sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay ang karagdagang dalawang milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 na gawa ng Sinovac, isang kompanya sa Tsina.

Kabilang dito, 400,000 dosis ang binili ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Manila. Ang balanseng 1.6 milyung dosis ay binili ng national government ng Pilipinas.

Ito ang ika-12 pangkat ng bakuna ng Sinovac na dumating sa bansa. Sa kabuuan, tinanggap ng Pilipinas ang 11 milyong dosis ng bakuna mula sa naturang kompanya ngayong taon.

Sinalubong nina Vaccine Czar at National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr., Department of Health Secretary Francisco Duque, Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles at Manila Mayor Isko Moreno ang naturang pangkat ng mga bakuna ng Sinovac na sakay ng isang eroplano ng Cebu Pacific.

Source: http://filipino.cri.cn/20210624/5bd5b23c-5c36-3259-3cdf-1d2a792f7ae5.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.