Serbisyo ng One Hospital Command Center mas pinalawak

Mas pinabuti ng pamahalaang nasyonal ang serbisyo ng One Hospital Command Center matapos dagsain ng maraming reklamo and gobyerno.

Ayon kay Department of Health Undersecretary Leopoldo Vega, nagkaroon sila ng “surge” sa nakaraang dalawang buwan kaya inayos ang kanilang telecommunication system.

Sinabi rin ni Vega, nagdagdag sila ng workers upang mas maging maayos ang kanilang serbisyo.

Aniya, “Itong One Hospital Command, in-improve na ho namin iyong mga services nito kasi pinalawak na namin iyong mga workers ano ng mga nanga-ngailangan ng iyong human resource.”

Nasa 80 personnel aniya ang nadagdag kung saan walo sa mga ito ay mga medical doctors.

Matatandaan na inilunsad ng Inter-Agency Task Force ang One Command Center bilang referral system ng mga pasyenteng may COVID -19.

Sa ngayon ay inilagay na ang monitoring system sa Philippine International Convention Center.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/17/2106106/serbisyo-ng-one-hospital-command-center-mas-pinalawak

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.