Pagsita sa walang face shield tuloy – PNP

Tuloy ang paninita ng Philippine National Police sa mga hindi magsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, ipatutupad pa rin nila ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na paggamit ng face shield bukod pa sa face mask na proteksiyon laban sa virus na dala ng CoViD-19.

Aniya, pagsasabihan at paaalalahanan lamang ang mga lalabag. Hindi papatawan ng ano mang parusa ang mga hindi naka-face shield sa mga open at enclosed spaces.

Sinabi ni Eleazar na ang huling rekomendasyon ng IATF sa Pangulo ay panatilihin ang “mandatory” na pagsusuot ng face shield sa enclosed spaces, commercial areas, public transport, terminals at places of worship.

Marami rin naman aniya sa mga mamamayang Pilipino ang nasanay na sa pagsusuot ng face shield para sa proteksyon laban sa COVID-19, kaya yung mga mangilan-ngilan na hindi nagsusuot ay dapat lang paalalahanan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/19/2106624/pagsita-sa-walang-face-shield-tuloy-pnp

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.