Healthcare workers na papayagang lumabas ng bansa itinaas ng IATF

Itinaas ng Inter-Agency Task Force ang bilang ng healthcare workers na maaaring lumabas ng bansa para sa Mission Critical Skills mula 5,000 sa 6,500.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga healthcare workers na may kontrata na noong Mayo 31 ay bahagi ng adjusted ceiling.

Exempted sa adjusted ceiling ang mga healthcare workers na nasa ilalim ng government-to-government labor agreements.

Samantala, inihayag din niya na inilipat ng IATF ang petsa ng pagpapatupad ng mas maikling quarantine period ng mga indibiduwal na kumpleto na ang bakuna kontra COVID -19 mula Hunyo 16 sa Hunyo 22.

Ito ay bilang konsiderasyon sa full rollout ng proseso ng validation ng mga vaccination certificates.

Ang mas maikling quarantine ay ipinako sa pitong araw mula sa 14 na araw na mandatory quarantine kung saan ang 10 araw ay dapat ilagi sa isang government quarantine facility at ang natitirang araw ay sa loob ng bahay.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/19/2106618/healthcare-workers-na-papayagang-lumabas-ng-bansa-itinaas-ng-iatf

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.