Dahil sa travel restrictions sa Pinas higit 1K OFWs stranded sa Dubai

Mahigit sa 1,000 overseas Filipino workers sa Dubai ang hindi makauwi sa bansa dahil sa kanselasyon ng biyahe ng mga eroplano dahil sa travel restrictions sa Pilipinas.

Kinumpirma ni Consul General Paul Raymund Cortes na mahigit na sa 1,000 ang stranded na OFWs.

Ayon pa kay Cortes, ang mga OFWs ay nasa pangangalaga ng Philippine Consulate General sa Dubai.

Umaasa si Cortes na makakauwi na sa bansa ang mga stranded na OFWs bagaman at wala pang ibinigay na petsa kung kailan.

Kinansela ang biyahe noong Mayo na pinalawig hanggang Hunyo 30 bilang pag-iingat laban sa mas nakakahawang variant ng COVID-19 na unang nakita sa India.

Matatandaan na inanunsiyo ni Presidential spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng gobyerno ang pagpapalawig ng travel restrictions sa mga biyahera mula sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.