Mga positibo sa saliva test ng Red Cross, isasama sa DOH tally

Isasama na rin ng Department of Health sa kanilang national tally ang mga nagpositibo sa COVID-19 saliva test ng Philippine Red Cross.

Sinabi ni PRC consultant Dr. Michael Tee na ito ay makaraang mag-abiso na sa kanila ang DOH ukol dito para mas epektibong makita ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng virus sa bansa.

Sa datos ng PRC, umabot na umano sa 365,000 ang naisagawa nilang saliva testing mula nang maaprubahan ito ng DOH noong Enero.

Inirekomenda rin ni Tee ang paggamit ng saliva collection sa mga probinsya lalo na sa mga lugar na kakaunti ang molecular laboratory.

Dahil dito, mapapataas umano ang testing sa mga lalawigan na napag-iiwanan sa testing.

Nanawagan ang kanilang grupo sa mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan lamang sa PRC kung nais nila na magsagawa ng saliva testing sa kanilang nasasakupang siyudad o lalawigan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/21/2107014/mga-positibo-sa-saliva-test-ng-red-cross-isasama-sa-doh-tally

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.