Viral: Koreanong vlogger ni-recreate ‘pritong tuwalya’ ng fastfood chain

Lumikha ng matinding ingay sa social media ang kontrobersiyal na “pagkaing” naihain ng isang tanyag na fast food chain sa Lungsod ng Taguig — sapat para maintriga kahit ang mga dayuhan dito.

Ika-2 ng Hunyo kasi nang “deep fried” na tuwalya ang mai-serve ng isang Jollibee branch sa isang customer, kahit na Chicken Joy ang kanyang order.

Dahil diyan, sinubukan tuloy ng Koreanong Youtuber na si “Mr BulBul” kung magagaya niya ang itsura ng “Jollitowel” — para malaman kung aksidente ba talaga o sabotahe ang pritong tuwalya ng kaninan.

Wika ng Koreano, “Maybe I can see if that mistake was intended or real mistake. Let’s try.”

Dalawang beses niyang sinubukan itong lutuin: una, gamit ang kalahating tuwalyang nirolyo gaya para magmukhang “drum stick” ng manok; at pangalawa, kalahating bimpo na nakalukot lang at nilagyan ng breading.

Sa unang subok, tila nagmukhang realistic na hita ng manok na niluto ang nauna.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/16/2105980/viral-koreanong-vlogger-ni-recreate-pritong-tuwalya-ng-fastfood-chain

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.