PNP tututok sa cashless vote buying

Dahil nauuso ang cashless transactions, nakatakdang makipagpulong ang Philippine National Police sa mga government agencies para sa mekanismo o safeguards upang masawata ang vote buying ngayong 2022 elections.

Ayon kay PNP chief, General Guillermo Eleazar, ngayong mas marami ang gumamit ng online cash transfer o cashless transactions, hindi imposible na maging talamak din ang bentahan ng boto online.

Lalo na ngayong pandemic, sinabi ni Eleazar na maraming pulitiko ang posibleng hikayatin ang mga botante na ibenta ang kanilang mga boto.

Aniya, laganap ang vote buying sa bansa na tinawag umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na “integral part of elections.” Kadalasang umaabot sa 500 piso ang binabayad kada botante.

Bagama’t inamin ni Eleazar na malaking hamon sa kanila na imonitor ang vote buying activities ngayong 2022 election, sinabi nito na malaking tulong ang pagkakaroon ng safeguards o mga regulasyon.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/15/2105618/pnp-tututok-sa-cashless-vote-buying

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.