Delivery services patuloy na ginagamit ng drug syndicate-PDEA

Inamin ni Philippine Drug Enforcement Agency chief Wilkins Villanueva na patuloy na ginagamit ng mga drug syndicate ang delivery at courier services para sa pagtransport ng mga illegal drugs matapos ang pagtaas ng kaso ng drug trafficking sa bansa.

Ayon kay Villanueva, karamihan sa mga nahuhuli nila sa anti-illegal drug operations ay mga drivers ng delivery services na walang kamalay-malay na kontrabando ang kanilang ide­deliber.  Ito ang nakikita nilang mabisang paraan sa pagtransport ng droga para hindi mahuli.

Dagdag ni Villanueva ang paggamit ng delivery services para mai-transport ang kontrabando ay siyang trend at modus ng mga drug syndicate para tuloy pa rin sa pamamayagpag ang kanilang illegal drug trade.

Bunsod nito, lumagda ng memorandum of agreement ang PDEA at Ninja Van. Layon nito na tugunan ang problema sa drug trafficking trend kung saan ginagamit ang mga delivery courier services.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/18/2106302/delivery-services-patuloy-na-ginagamit-ng-drug-syndicate-pdea

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.