Biyaheng tren patungong Bulacan malapit na – Tugade

Malapit nang mapakinabangan ng publiko ang Philippine National Railway Clark Phase 1 project ng Department of Transportation.

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nasa 47 percent ng tapos ang first segment o ang Tutuban-Malolos ng North-South Commuter Railway Project at inaasahang matatapos sa ikalawang bahagi ng 2024.

Sabi ni Tugade, dati ay pangarap lamang ang pagkakaroon ng tren na magkokonekta sa Maynila at Bulacan.

Ang nasabing proyekto na may 38-kilometrong railway ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency na dadaan sa mga lungsod ng Maynila, Caloocan, Valenzuela at mga bayan ng Meycuayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, at Malolos City sa Bulacan.

Maseserbisyuhan nito ang nasa 300,000 pasahero kada araw at magiging 35 minuto na lamang ang biyahe mula sa Tutuban sa Maynila patungong Malolos sa Bulacan mula sa kasalukuyang isa at kalahating oras.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/16/2105764/biyaheng-tren-patungong-bulacan-malapit-na-tugade

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.