DOLE: Libreng bike sa ‘economic frontliners’ na magpapabakuna

Magbibigay ang Department of Labor and Employment ng libreng bisikleta sa mga ‘economic frontliners’ o mga taong kabilang sa A4 category na makakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna kontra coronavirus disease umpisa sa buwan ng Hulyo.

Inisyal na maglalabas ng 2,000 bisikleta ang DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns sa ilalim ng programang “BakSikleta.” Ilalaan ang 1,000 sa mga bisikleta para sa manggagawa galing sa National Capital Region.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na ito ay paraan nila para hikayatin ang mga manggagawa na ituluy-tuloy ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 at hikayatin pa ang kanilang mga kasamahan.

Kasama rin sa package ang libreng Android phone na may 5,000 pisong load para magamit ng mapipiling manggagawa sa pagtatayo ng maliit na negosyo o sideline.

Kasama ring ipamimigay ng DOLE ang bike helmet, kapote, water bottle at thermal bag.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/18/2106293/dole-libreng-bike-sa-economic-frontliners-na-magpapabakuna

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.