DOH nanawagan ng ‘blood donors’

Nanawagan ang Department of Health para sa mga dagdag na donors ng dugo makaraang maapektuhan rin ito ng pandemya at ang serbisyong pangkalusugan na na-ngangailangan ng dugo.

Sa datos ng National Voluntary Blood Services Program ng DOH, bumaba ng lampas isang milyong bag o 22 porsyento ang naido-donate na dugo sa kanila noong taong 2020 pa makaraang umabot sa Pilipinas ang COVID-19.

Bumaba ang koleksyon ng DOH dahil sa mga lockdowns at restriksyon ng pamahalaan.

Dahil dito, naapektuhan ang mga health services na nangangailangan na salinan ng dugo ang mga pasyente.  Katulad na lamang ng mga may COVID-19 na nagda-dialysis araw-araw, mga pasyente na bumaba ang hemoglobin at platelets.

Bumuo rin ang DOH ng “Blood Services Network” kasama ang Philippine Red Cross at local government unit at sa pamamagitan nito napupunan ang kakulangan sa suplay ng dugo ng mga blood bank.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/17/2106110/doh-nanawagan-ng-blood-donors

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.