‘Basura palit grocery’, inilunsad ng MMDA

Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority noong isang linggo ang waste diversion initiatives na mag-eengganyo sa mga mamayanang Pilipino para mapanatili ang kalinisan at luntiang komunidad sa National Capital Region.

Ipinakilala sa project pilot area sa Barangay Sto. Rosario, Kanluran, Pateros ang Mobile Materials Recovery Facility at Community Based Takakura Composting na idinisenyo upang mabawasan ang basura habang ina-aplay ang waste segregation at recycling.

Ang Mobile Materials Recovery Facility ay tinawag na “Recyclable Mo, Palit Grocery Ko,” kung saan maaring ipalit ang recyclable materials sa bigas, instant noodles at canned goods.

Kabilang sa maaaring ipalit ang karton, bote, dyaryo, lata at iba pang recyclable materials sa ‘points’ na isusulat sa Ecosavers passbook at sa Mobile Materials Recovery Facility market day ay maaring makuha na ang kapalit na food items.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/11/2104631/basura-palit-grocery-inilunsad-ng-mmda

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.