‘Di kikilala sa Philippine ID binalaan ng DILG

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government na mahaharap sa mabigat na kaparusahan o multang 500,000 piso ang tatanggi na tanggapin, kilalanin o i-acknowledge ang Philippine Identification Card o Philippine Identification System ID ng walang sapat na dahilan.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang mga government officials o empleyado na tatangging tumanggap ng Phl ID card ay haharap sa lifetime ban sa paghawak ng anumang puwesto sa pamahalaan o employment sa gobyerno, kabilang na ang mga government-owned and controlled corporations at subsidiaries ng mga ito.

Nabatid na inatasan ni DILG Secretary Eduardo Año ang lahat ng local government units sa bansa na tanggapin ang Phl ID card bilang single requirement sa lahat ng transaksiyon sa Pilipinas.

Hinikayat din niya ang pribadong sektor na ikonsidera ang national ID card bilang ‘sufficient proof of identity.’

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/15/2105617/di-kikilala-sa-philippine-id-binalaan-ng-dilg

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.