Laban ni Manny sa Vegas, marami pa ring gustong manood

Mukhang marami pa rin ang manonood ng fight ni champ Manny Pacquiao sa Las Vegas.

Ang dami pa ring nagtatanong kung kelan darating si champ Manny sa Vegas, at ‘yung mga Fil-Ams na taga-Los Angeles at San Francisco, naghahanda nang pumunta sa kung saan gaganapin ang fight.

Maraming Pinoy at maging Amerikano at mamamayan ng ibang bansa nakahanda na para manood, at excited na makikita na naman ang Filipino boxing icon sa ring.

Iba talaga ang charisma ni Champ Manny at tiyak na wala nang makakakuha pa ng korona sa kanya as our lifetime pride sa sports.

Sobra talaga ang naibigay niyang honor sa ating bayan, at talagang tumatayo ang balahibo mo tuwing makikita mo kung paano siya hangaan ng buong mundo.

Forever na siya sa memory natin as the boxing champ na naglagay sa mapa ng mundo ng Pilipinas, dahil isa siyang Pilipino. Manalo, matalo, siya pa rin ay champion, ating pambansang kamao.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/pang-movies/2021/06/17/2106084/laban-ni-manny-sa-vegas-marami-pa-ring-gustong-manood

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.