PNP handang ilabas ang drug war records

Handa ang Philippine National Police na maglabas ng dokumento na may kinalaman sa war on drugs, partikular ang mga kaso kung saan may namatay na pulis o drug suspect.

Inihayag ito ni PNP Chief General Guillermo Eleazar kasunod ng sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipauubaya nila sa PNP ang pagpapaliwanag sa naganap na pagkamatay sa giyera kontra droga.

Giit ni Eleazar, ginagawa nila ang kanilang trabaho ng naayon sa batas at ang mga pulis na lumalabag ay hindi nila kinukunsinti.

Sabi ng Chief PNP na walang tinatago ang kapulisan at nakiki-pagtulungan sila sa review ng Department of Justice sa mga kaso sa war on drugs.

Sa katunayan aniya ay ni-release na nila sa DOJ ang records ng 53 drug-related cases na naresolba ng PNP Internal Affairs Service.

Hindi pa lang aniya ma-turn over sa DOJ ang mga records ng iba pang kaso na hindi pa tapos resolbahin dahil sa nakabinbing mga apela ng mga pulis na sangkot.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/17/2106104/pnp-handang-ilabas-ang-drug-war-records

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.