124 inmates at 17 jail personnel sa Palawan Jail, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology na may 124 na inmates at 17 jail personnel sa bilangguan sa Puerto Princesa City, Palawan ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda, ang mga naturang pasyente ng COVID-19 ay naka-isolate na sa magkakaibang gusali.

Tiniyak din niya na walang dapat na ipag-alala ang mga pamilya ng mga ito, partikular na ang mga persons deprived of liberty dahil ang pokus ng kanilang management sa ngayon ay mabigyan sila ng atensiyong medikal.

Sinabi ni Solda na kumpara sa mga bilangguan sa Metro Manila, kung saan ang physical distancing ay isang malaking problema, mas malaki ang Palawan Jail dahil 64 porsyento lamang nito ang okupado.

Kinumpirma rin ni Solda na nitong nakalipas na tatlong buwan ay nagkaroon ng surge ng COVID-19 cases sa Palawan kaya’t pansamantalang sinuspinde ang contact visitation nila.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2021/06/18/2106314/124-inmates-17-jail-personnel-sa-palawan-jail-nagpositibo-sa-covid-19

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.