250K Moderna vaccines parating sa Hunyo 27

Inaasahang darating na sa bansa ang may 250,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccines sa Hunyo 27.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor.

Bukod dito, darating din sa Hunyo 24 ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac at ngayong buwan din ay darating ang mahigit 150,000 dose ng Sputnik V.

Bago matapos ang buwan ay matatanggap na rin ng bansa ang donasyong bakuna ng US at bubuhos din ang suplay sa Hulyo na aabot sa 12M dose.

Sa kabuuan, nakatanggap na ng lampas 14.2 milyong dose ng bakuna ang bansa na binili ng gobyerno at pribadong sektor kasama ang mga donasyon.

Ngayong Hulyo ay inaasahang darating ang 11.7 milyong bakuna, kabilang dito ang 4.5 milyong Sinovac, 1 milyong Moderna, 1 milyong Sputnik V, 1.2 milyong AstraZeneca na binili ng mga pribadong sektor at 4 milyong vaccines mula sa COVAX facility.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/21/2107015/250k-moderna-vaccines-parating-sa-hunyo-27

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.