P1 bilyong shabu nasabat ng PDEA: 2 Chinese timbog

Dalawang Chinese nationals ang arestado habang mahigit sa isang bilyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa magkahiwalay na anti-drug operation na ikinasa nila sa Cavite at Parañaque City kamakalawa ng hapon.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang isa sa mga suspek na si Man Kuok Wong, 39, alyas Jose Baluyot Wong, ay naaresto sa isang buy-bust operation sa Imus, Cavite.

Nakumpiska mula kay Wong ang tinatayang aabot sa 117 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 796 milyon na nakatago sa mga tea bags.

Samantala, ang suspek na si Zhizun Chen, 38, ay naaresto naman ng joint team ng mga pulis at PDEA sa isang parking lot ng isang supermarket sa Baclaran, Parañaque City.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang 38 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 251 milyon piso, na nakatago rin sa mga tea bags.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/15/2105614/p1-bilyong-shabu-nasabat-ng-pdea-2-chinese-timbog

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.