‘Red alert’ sa suplay ng kuryente asahan – DOE

Inaasahan na magkakaroon ng “red alert” o manipis na supply ng kuryente sa bansa ngayong linggo.

Ito ang ipinaliwanag ni Director Mario Marasigan ng Electric Power Industry Management Bureau ng Department of Energy sa pagdinig ng Senate Committee on Energy na tinawag ni Senador Win Gatchalian.

Paliwanag ni Director Marasigan, inaasahan ang red alert sa linggong ito o sa Hunyo 24 at maaaring abutin ito hanggang week 30 o hanggang sa susunod na anim na linggo.

Base umano sa nakuha nilang datos galing sa National Grid Corporation ay maaaring magsasabay-sabay ang maintenance o pag-aayos ng mga planta ng kuryente.

Kapag red alert ay nanganganib na magkaroon ng brownout sa iba’t-ibang lugar sa bansa, subalit nilinaw ni Marasigan na hindi nila agad sinasabi na potensyal ang mga brownout dahil mayroon naman silang ginagawang mga mekanismo.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/18/2106296/red-alert-sa-suplay-ng-kuryente-asahan-doe

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.