Air quality sensors, ikakalat ng Quezon City LGU

Upang malinis ang hangin sa polusyon, ikakalat ng Quezon City government ang air quality monitoring sensors sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Tumanggap si Mayor Joy Belmonte ng walong units ng air quality sensors na susukat sa pollutants kahit sa dangerous particulate matter 2.5 na mula sa usok ng sasakyan at pabrika.

Ang matagal na pagkaka-expose sa ganitong mga pollutants ay nakakaapekto sa kalusugan ng tao dahil ang particles nito ay napupunta sa baga at blood streams na nagdudulot ng asthma at sakit sa puso.

Sa loob ng dalawang buwan, ang monitoring sensors ay ilalagay sa “pollution hotspots sa Novaliches, Sto. Domingo at Quezon Memorial Circle bilang monitoring sites.

Pahayag ni Mayor Belmonte, “Through these air quality monitoring sensors, we will be able to gather the city’s air quality baseline data that will help us in planning and determining programs, projects and policies to reach our goal.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/16/2105773/air-quality-sensors-ikakalat-ng-quezon-city-lgu

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.