House-to-house na pagbabakuna sa seniors

Aminado ang Department of Health na napakamalaking hamon pa rin para sa pamahalaan ang mababang turn-out ng mga nababakunahang senior citizen at naniniwala silang solusyon dito ang ginagawang pagbabahay-bahay ng mga local government units.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi lang pag-aalangan ang nakikitang dahilan sa mga matatanda, kung ’di sa takot na lumabas dahil sa pangambang mahawaan sila ng COVID-19, ’yung iba ay takot magbiyahe o sumakay, at ang iba naman ay bedridden.

Nasa limang porsyento pa lamang umano mula sa 8-milyong senior citizens ang naturukan na ng bakuna laban sa coronavirus disease.

Sila ay kabilang sa second priority o A2 group, kasunod ng mga medical frontliners at health workers sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaang nasyonal, dahil sa pagiging ‘high risk’ na matamaan ng malalang sintomas ng nasabing virus.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/13/2105128/house-house-na-pagbabakuna-sa-seniors

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.