Duterte sa mahilig bumiyahe: ‘Magpa-bakuna muna kayo!’

Noong isang linggo, umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kating-kati na ang paa sa pagbiyahe na kumpletuhin muna nila ang bakuna laban sa coronavirus disease.

Aminado and pangulo na mahirap kontrolin ang pandemya ng COVID-19 na nagkakaroon aniya ng biglang pagtaas kahit pa sa ibang bansa na parehong mayaman at mahirap.

Sinabi rin ni Pangulong Duterte na inaasahan niya na ang pagsunod ng lahat ng mamamayan sa mga regulasyon na ilalatag ng gobyerno.

Ayon pa sa Pangulo, may posibilidad na mamatay sa coronavirus disease ang mga taong ayaw magpabakuna laban dito.

Idinagdag ng Pangulo na pabalik-balik na lang ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na nagkakaroon ng pagtaas pagkatapos ay bumababa pero muling tumataas.

Sa gitna ng Hunyo, mga pitong milyung dosis pa lamang ng bakuna laban sa coronavirus disease ang natuturok sa mga mamamayang Pilipino.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/16/2105770/duterte-sa-mahilig-bumiyahe-magpa-bakuna-muna-kayo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.