Shabu no.1 problema pa rin ng Pinas – PNP

Nananatiling no. 1 problema pa rin ang shabu sa Pilipinas kaya mas pinaiigting pa ng Philippine National Police ang kanilang ugnayan sa foreign drug enforcement agencies upang masawata paglabas at pagpasok ng illegal drugs partikular ang shabu o methamphetamine hydrochloride.

Ito ang binigyang diin ni PNP chief General Guillermo Eleazar ito’y matapos na ihayag ng United Nations Office on Drugs and Crime na pangunahing problema sa Pilipinas ang shabu.

Ani Eleazar, “Patuloy ang ating koordinasyon sa mga drug enforcement agencies sa ibang bansa, katuwang ang [Philippine Drug Enforcement Agency] at Bureau of Customs, para mapalakas pa ang ating border controls kontra sa pagpasok ng illegal drugs sa bansa.”

Ayon kay Eleazar, inalerto na rin niya ang lahat ng police units kabilang ang Maritime Group upang doblehin ang pagbabantay at gumawa ng security measures laban sa pagpasok ng illegal drugs sa mga baybayin.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/14/2105290/shabu-no1-problema-pa-rin-ng-pinas-pnp

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.