Pangkalahatang kalihim ng UN, hinimok ang G7 na ipatupad ang pangako sa climate fund

Muling hinimok noong Hunyo 13 ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations ang mga maunlad na bansa, lalong lalo na ang mga bansa ng G7, na ipatupad ang pangako hinggil sa pagkakaloob ng 100 bilyong dolyares na climate fund sa mga umuunlad na bansa tuwing taon.

Ipinagdiinan niyang mahalagang-mahalaga ang nasabing pangako para sa pagtatatag ng pagtitiwalaan ng iba’t ibang panig, at pagsasakatuparan ng target ng aksyon ng klima sa Paris Agreement.

Sinang-ayunan naman ng Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN ang kuru-kuro ni Guterres. Diin niya, hanggang sa kasalukuyan, hindi natupad ng mga maunlad na bansa, lalong lalo na ng mga bansa ng G7, ang naturang pangako – bagay na malubhang humahadlang sa pagsasakatuparan ng target ng aksyon ng klima.

Ito’y seryosong isyung dapat harapin at lutasin sa ika-26 komperensya ng United Nations Framework Convention on Climate Change.

Source: http://filipino.cri.cn/20210615/fd617ff6-b11b-cf88-85b7-1b232eb11510.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.