Parañaque at Pasay balik COVID-19 high-risk

Muling inilagay ng Department of Health sa ‘high-risk classification’ ang Parañaque at Pasay dahil sa malaking pagtaas sa bagong kaso ng coronavirus at mataas din na ‘average daily attack rate.’

Sinabi ni DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman na tatlong siyudad ang nakitaan ng positibong growth rate ng mga bagong kaso mula Mayo 30 hanggang Hunyo 12: ang Parañaque (na may 2% growth rate), Pasay (na 19%) at Malabon (na 30%).

Sa kabila na pinakamataas ang Malabon, naitala naman ang ‘average daily attack rate’ ng Parañaque City sa 9 kaso kada 100,000 populasyon na higit na mataas sa hangganan na 7 cases kada 100,000. Naitala rin ang ‘intensive care unit utilization’ ng siyudad sa 63%.

Sa Pasay City naman, nasa safe zone ang utilization rate ng mga pagamutan at ICU ngunit nasa high risk category sila sa kanilang ‘average daily attack rate’ na 8.7 kaso kada 100,000.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/16/2105775/paraaque-pasay-balik-covid-19-high-risk

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.