Bakunadong senior citizens ‘wag munang lumabas – DOH

Pinayuhan ng Department of Health ang mga senior citizens na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 na huwag na munang lumabas ng tahanan dahil maaari pa rin silang mahawa.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, delikado pa rin ang mga senior citizens at ang maiiwasan lamang ng mga may bakuna ay ang ma-ospital o kaya ay posibleng kamatayan.

Ani Vega, “Senior talaga vulnerable ano kasi iyong bakuna naman talaga maka-prevent ng hospitalization and death ano pero puwede ka pa ring magkaroon ng COVID-19.”

Ipinaalala rin ni Vega na kakaunti pa rin sa mga senior citizens ang na bibigyan ng bakuna.

Dapat aniyang hintayin na mabakunahan ang nasa 50% hanggang 60% ng community upang bumaba ang tiyansa na magkaroon ng transmission.

Kung lalabas aniya ang mga may bakuna ay dapat iwasan pa rin ang mga matataong lugar o pagkain sa mga lugar na hindi maganda ang ventilation.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/17/2106103/bakunadong-senior-citizens-wag-munang-lumabas-doh

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.