Travel ban sa 7 bansa pinalawig – BI

Muling ipatutupad ng Bureau of Immigration ang ekstensyon sa travel ban sa pitong bansa upang maiwasang makapasok ang Indian variant ng COVID-19 hanggang sa Hunyo 30.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay bilang pagsunod sa utos galing sa Malacañang na huwag pa ring papasukin ang mga biyahero mula sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman.

Ayon kay Morente, “Those with a travel history from these countries within the last 14 days before arrival are also temporarily banned from entering.”

Hindi naman sakop nito ang mga ‘transiting passengers’ o iyong gagawing ‘stop-over’ lamang ang Pilipinas at hindi naman lalabas ng mga paliparan sa bansa.

Patuloy pa rin naman ang restriksyon sa pagpasok sa bansa ng mga dayuhang turista maliban na lamang kung may awtorisasyon silang nakuha buhat sa Department of Foreign Affairs.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/16/2105769/travel-ban-sa-7-bansa-pinalawig-bi

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.