1 milyong Sinovac naka-hold muna

Hindi muna ipamamahagi ng pamahalaan ang may isang milyong doses ng Sinovac COVID-vaccines habang hinihintay ang karagdagang dokumento buhat sa manufacturer nito.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang hinihintay na dokumento ay ang certificate of analysis ng Sinovac para sa isang milyong doses ng bakuna na dumating sa bansa noong nakaraang linggo.

Hindi umano nila maaaring ipamahagi o ibiyahe ang mga bakuna para sa mga recipients nito kung hindi kumpleto ng dokumento.

Matatandaang noong nakaraang buwan, naantala rin ang distribusyon ng Sinovac sa mga vaccination sites dahil sa kakulangan ng naturang certificate.

Samantala, tiniyak naman ni Vergeire na ang deployment ng 2.2 milyong bagong deliber na Pfizer COVID-19 vaccines ay inaasikaso na nila.

Ang 60 porsyento ng mga doses ay ide-deploy sa mga lugar na nakakapagtala ng mataas na bilang ng impeksiyon.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/15/2105623/1-milyonh-sinovac-naka-hold-muna

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.