‘Hazard pay’ ng health workers ‘di pa naibibigay

Aminado ang isang opisyal ng Department of Health na hindi pa nailalabas ng Department of Budget and Management ang ‘hazard pay’ ng mga health workers para sa unang anim na buwan ng taon.

Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kasalukuyang pinoproseso pa nila sa DBM ang pagpapalabas ng ‘hazard pay’ maging ang ‘special risk allowance’ ng health workers.

Dahil dito, maraming health workers ang nagrereklamo sa mabagal na proseso ng pagpapalabas ng mga benepisyo habang nanganganib ang kanilang kalusugan dahil sila ang nasa pinaka-unahan sa paglaban sa COVID-19 sa pagamutan.

Sinabi ni Vega na may ilang health workers na nagbibitiw sa kanilang trabaho na maaaring magresulta sa kakapusan ng tauhan.

Bukas pa rin naman ang nasa 10,300 na posisyon para sa health workers sa iba’t ibang panig ng bansa para mapalakas ang health care system ng mga pagamutan lalo na sa labas ng National Capital Region.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/14/2105285/hazard-pay-ng-health-workers-di-pa-naibibigay

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.