Mga opisyal ng UN: 1 bilyong dosis ng bakuna kontra COVID-19 na planong ipagkaloob ng G7, di-sapat

Kaugnay ng plano ng Group of Seven na magkaloob ng 1 bilyong dosis ng bakuna kontra COVID-19 sa daigdig bago ang katapusan ng susunod na taon, ipinahayag ng ilang may kinalamang opisyal ng UN, na kulang pa ang bilang na ito.

Sinabi ng Direktor Heneral ng World Health Organization na sa kasalukuyan, ang pagkalat ng coronavirus ay mas mabilis kaysa pamamahagi ng bakuna. Kaya kinakailangan aniya ngayon ang mas maraming bakuna, sa halip na susunod na taon.

Batay sa kasalukuyang target na pagbabakuna sa di-kukulangin sa 70% ng populasyon ng buong daigdig sa loob ng darating na isang taon, kinakailangan ang 11 bilyong dosis ng bakuna. Ang ipinapangakong 1 bilyong dosis ng G7 ay malayo mula sa pagiging sapat.

Pinuna naman ng dating Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN sa mga Makataong Suliranin ang G7, sa hindi pagkakaroon ng isang seryosong plano para sa pagpapabilis ng pagsuplay ng mga bakuna.

Source: http://filipino.cri.cn/20210615/f3817441-c570-5b9d-4e10-e4c5cbb6dc48.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.