Admissions results ng UP, ilalabas sa Hulyo 15

Nakatakda nang ilabas ng University of the Philippines ang resulta ng kanilang admissions process para sa mga bagong estudyante sa Hulyo 15.

Ayon sa admission office ng unibersidad, kinakailangan lamang ng aplikante na mag-log in sa application portal upang makita ang resulta at kumpirmahin ang kanilang slots hanggang sa Hulyo 30.

Hindi pa naman naglalabas ang UP ng schedule nila para sa susunod na school year, na inaasahang magsisimula sa Setyembre. Matatandaang ang mga aplikante ngayong taon ay hindi dumaan sa UP College Admission Test matapos itong makansela dahil sa pandemya ng COVID-19.

Sa halip, ang kanilang aplikasyon ay in-assessed sa pamamagitan ng final grades ng mga estudyante mula Grade 8, 9, 10 at unang semestre ng Grade 11.

Anang unibersidad sa naunang pahayag, “Specific degree programs may request for additional requirements to qualify for admission, if deemed necessary.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/09/2104090/admissions-results-ng-up-ilalabas-sa-hulyo-15

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.