Pagtanggal sa mga obstruksyon sa ilalim ng mga flyovers, ikinasa na

Inumpisahan ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagtatanggal sa lahat ng uri ng obstruksyon sa ilalim ng flyovers sa EDSA.

Pinangunahan ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang pag-iinspeksyon sa tatlong flyovers sa Kamuning, Timog at Quezon Avenue. Dito niya nadiskubre ang sangkaterbang mga obstruksyon tulad ng mga sirang mga sasakyan, impounded na behikulo, mga concrete barrier na hindi na nagagamit, at maging mga sasakyan na ilegal na nakaparada kabilang na ang mga jeep.

Ayon kay Abalos, “Hindi puwedeng gamiting impounding ito. This is a national highway… kalye ito. Maski sino, bawal gumamit nito. We will coordinate with the proper authorities on this matter.”

Ipinag-utos na rin niya sa Metro Parkways Clearing Group and Road Emergency Group na tanggalin ang mga nakaimbak nilang equipments sa ilalim ng mga flyovers.

Sinabi ni Abalos na ito’y upang maiwasan ang pagkabulok ng Metro Manila.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/09/2104095/pagtanggal-sa-mga-obstruksyon-sa-ilalim-ng-mga-flyovers-ikinasa-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.