Tone-toneladang gulay ibibigay ng SC sa mga community pantries

Nag-ambagan ang 14 na mahistrado ng Supreme Court sa pagbili ng tone-toneladang gulay na ido-donate nila sa iba’t ibang community pantries sa Metro Manila.

Pahayag ng Supreme Court Public Information Office, “The fourteen incumbent magistrates of the Supreme Court, using their personal resources and working collectively, purchased more than fourteen tons of vegetables from farmers to be distributed to various community pantries.”

Pinangunahan ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang pagprisinta ng mga gulay sa SC grounds at pagpasa nito sa mga organizers ng mga community pantry.

Bukod sa mga community pantries, ido-donate rin ang mga gulay sa indigent ward ng Philippine General Hospital para mapakain ang mga mahihirap na pasyente at sa Manila Police District na nagsasagawa rin ng sariling pantry at ‘feeding program.’

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/11/2104635/tone-toneladang-gulay-ibibigay-ng-sc-sa-mga-community-pantries

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.