Pagbibigay ng insentibo ng traders sa mga ‘bakunado’ sa Quezon City, pinuri

Pinapurihan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga negosyante na nagkakaloob ng mga discounts at benepisyo sa mga bakunado nang residente ng lungsod.

Pahayag ni Belmonte, “We are thankful to the businesses and the rest of the private sector for finding ways to support our programs, especially the QC Protektodo vaccination rollout. Patuloy ninyo kaming pinapahanga dahil kahit nakararanas ng matinding pagsubok ang inyong mga negosyo ay nag-aabot pa rin kayo ng tulong sa ating mga kababayan.”

Bunga nito, nangako naman si Mayor Belmonte na suportado rin ng lokal na pamahalaan ang mga negosyo na nagkakaloob ng incentives para mabakunahan ang lahat ng taga-Quezon City.

Kinilala rin ni Belmonte ang ‘Ingat-Angat Bakuna Benefits’ program ng may mahigit 150 participating restaurants na nagkakaloob ng exclusive discounts sa mga taong nabakunahan sa pinakamalaking lungsod sa Metro Manila.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/09/2104086/pagbibigay-ng-insentibo-ng-traders-sa-mga-bakunado-sa-quezon-city-pinuri

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.