COVID-19 sa Pinas walang pagbabago hangga’t ‘di 50% ang vaccination rate

Wala pang makikitang malaking pagbabago sa estado ng Pilipinas hanggang hindi naaabot ang 30% hanggang 50% vaccination rate ng populasyon ng bansa.

Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research Group na masyado pang maliit ang mga numero ng nababakunahan sa bansa.

Nitong ika-8 ng Hunyo, umabot pa lamang sa 4.6 milyon ang nabakunahan na katumbas ng 4% ng populasyon ng bansa. Nasa 1.6 milyon ng naturang numero ang nakatanggap na ng ikalawang dose.

Matatandaan na target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyon tao. Inaasinta rin nila na mabakunahan ang nasa 58 milyon pagsapit ng Nobyembre. Una nang inihayag ng Department of Health na nais ng mga eksperto na mabakunahan ang 30% ng populasyon bago luwagan ang ‘quarantine restrictions’ ng bansa.

Habang nagaganap ang ‘vaccination program,’ sinabi ni Rye na dapat pa rin sumunod ang publiko sa ‘minimum health standards.’

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/10/2104366/covid-19-sa-pinas-walang-pagbabago-hanggat-di-50-ang-vaccination-rate

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.