Mutuwal na kapakinabangan, mahalaga para sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika

Sa kanilang pag-uusap noong Hunyo 10, matapat na nagpalitan ang Ministro ng Komersyo ng Tsina at Kalihim ng Komersyo ng Amerika ng kuru-kuro sa isyung komersyal ng dalawang bansa.

Ipinahayag ng kapuwa panig na napakahalaga ng diyalogo at pagpapalitan ng Tsina at Amerika sa larangang komersyal. Sinang-ayunan nilang pasulungin ang malusog na pag-unlad ng aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa sa kalakalan at pamumuhunan.

Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ng Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na bilang dalawang pangunahing ekonomiya sa daigdig, ang esensya ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay mutuwal na kapakinabangan.

Kasabay nito, binigyan ng Tagapagsalita ng positibong pagtasa ang pagkansela ni Pangulong Joe Biden ng Amerika sa ehekutibong kautusang nakatuon sa ilang app na pinatatakbo ng mga kompanyang Tsino na gaya ng TikTok at Wechat.

Source: http://filipino.cri.cn/20210611/c983bdc4-b6e0-e0f5-c8ac-604b2cee5341.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.