12 milyong essential workers target bakunahan sa ‘NCR Plus 8’

Lumarga na ang ‘vaccination’ para sa A4 priority group o mga ‘essential workers’ kung saan nakatutok ang Department of Health sa National Capital Region at walo pang lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.

Tinukoy ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 12 milyong ‘essential workers’ mula sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Pampanga, Metro Cebu at Metro Davao ang uunahin na bakunahan sa A4 group.

Maaaring maging istratehiya ang pagbase sa edad o sa mas nakatatanda para nakalinya ang programa na maprayoridad ang mga mas ‘vulnerable’.

Nakatakdang maglabas ang Inter-Agency Task Force ng panuntunan sa pagbakuna sa mga manggagawa.

Sa datos ng DOH, nasa 22 milyong ‘essential workers’ sa bansa ang maaaring makasama sa A4 group. Ang 10 milyon dito ay nasa labas ng ‘NCR Plus 8’ na isusunod na mabakunahan depende sa pagdating ng suplay ng bakuna sa bansa.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/08/2103866/12-milyong-essential-workers-target-bakunahan-sa-ncr-plus-8

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.