80% ng NPA mga katutubo

Nasa 80 porsiyento ng armadong grupo ng CPP-NPA sa ngayon ay binubuo na ng Indigenous People o mga katutubo, na pwersahan umanong dinudukot at ginagamit bilang mga combatant o mandirigma ng Communist Terrorist Group.

Ayon kay Gaye Florendo, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict assistant spokesperson sa IP Concerns, ang dami ng NPA na IPs ay base na rin sa bilang ng mga nagsisuko.

Inilahad naman ni Datu Bawan Jake Lanes, isang dating kadre ng CPP-NPA-NDF at Executive Director na ng Mindanao IP Council of Elders, ang mga umano’y panlilinlang sa mga IP.

Anya, makikipagkaibigan ang mga CPP-NPA-NDF sa mga lider o nakatatandang mga IPs at iaalok ang kanilang tulong bilang isang kaibigan.

Kapag tumanggi ang mga lider ng IPs, kamatayan ang kapalit nito at sasakupin ang buong komunidad sa pamamagitan ng dahas at pananakot bago ioorganisa ang lahat ng kasapi ng tribu.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/08/2103862/80-ng-npa-mga-katutubo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.