Pekeng S-PASS, inaksyunan ng DOTr

Agad na inaksyunan ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade ang talamak na negosyo ng pamemeke ng S-PASS o Safe, Swift and Smart Passage sa Batangas Port.

Nabatid na karaniwang mga nagiging biktima ng talamak na pekeng S-PASS ay ang mga pasahero sa naturang pantalan.

Batay sa direktiba ng kalihim, agad na inatasan ni Philippine Ports Authority General Manager Atty. Jay Daniel Santiago ang pribadong operator nitong Asian Terminals Incorporated na gumamit ng tinatawag na QR code scanner.

Sa pamamagitan nito ay matutukoy na agad ng pamunuan ng PPA ang mga pekeng S-PASS bago pa man pumasok sa loob ng pantalan dahilan kaya tumigil nang tuluyan ang nasabing modus.

Magugunitang ipinag-utos ni Tugade ang paggamit ng S-PASS sa lahat ng pasahero na gagamit ng pantalan bilang tugon ng DOTr sa panuntunan na ipinatutupad ng gobyerno sa pagbiyahe ngayong nasa ilalim ng pandemya ang bansa.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/11/2104612/pekeng-s-pass-inaksyunan-ng-dotr

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.