Nurses pumalag sa 5K deployment cap

Tinuligsa ng Filipino Nurses United ang ipinatutupad na 5,000 cap sa deployment ng mga nurses sa ibang bansa kada taon makaraang maabot na ang bilang para sa 2021.

Sinabi ng FNU na hindi ito patas para sa nurses na nais ng mas maayos na pagkakakitaan at nasa proseso ng pag-aayos ng kanilang mga dokumento, visas at iba pang requirements.

Hindi umano dapat ipatupad ang cap dahil sa sapat naman ang nurses sa Pilipinas. Hindi naman magnanais ang mga nurses na umalis ng bansa kung sapat lamang ang kanilang mga suweldo at benepisyo na natatanggap, ayon kay Jocelyn Andamo, FNU secretary-general.

Ayon pa sa grupo, higit sa 570,000 nurses ang pumasa sa Nurses Licensure Examination mula 2000 hanggang 2019, base sa datos ng Professional Regulation Commission. Sa naturang bilang, 250,000 ang umaalis ng bansa para magtrabaho.

Nasa 220,000 nurse ang walang trabaho o underemployed sa bansa, ayon pa sa grupo.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/08/2103868/nurses-pumalag-sa-5k-deployment-cap

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.