Night shift workers sa Maynila, dadayuhin sa trabaho para sa bakuna

Hindi na mahihirapan pa ang mga manggawang naka-duty sa gabi para magpabakuna laban sa COVID-19 lalo na kung mga puyat dahil dadayuhin na sila sa kanilang trabaho ng vaccination teams ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Kasunod ng pag-anunsiyo na pinag-aaralan na ngayon ng Manila City government ang planong ito, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno, “We can go to their offices if they are working in the night shift…they too will be accommodated, depending on the circumstances.”

Nilinaw ng alkalde na maaari lamang gawin ito kung sila ay kuwalipikado sa priority list na ibinigay ng mga awtoridad ng national government.

Dagdag pa ng alcalde, “Hahabulin natin ang oras kasi baka masama ang epekto ng pagbabakuna kapag puyat.”

Ipinaliwanag pa ni Moreno na binibigyang konsiderasyon niya ang mga panggabi na gustong magpabakuna, kaya lamang ay hindi makapunta sa vaccination site dahil tulog sila sa umaga.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/05/2103290/night-shift-workers-sa-maynila-dadayuhin-sa-trabaho-para-sa-bakuna

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.