Xi Jinping: pamilya, mahalagang pundasyon para sa pag-unlad ng bansa

Ang darating na Dragon Boat Festival na ipagdidiriwang ngayong taon sa palapit na ika-25 ng Hunyo ay panahon ng pagtitipon ng lahat ng miyembro ng mga pamilya sa bansang Tsina.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat pag-ugnayan ang pagmamahal sa ating sariling pamilya at sa bansa.

Sinabi minsan ni Pangulong Xi na ang pamilya ay siyang pundamental na elemento ng lipunan, at ito rin ay kauna-unahang paaralan ng isang tao sa kanyang buhay. Dapat aniya pahalagahan ang atiing pamilya, para ito ay maging mahalagang pundasyon ng pag-unlad ng ating bansa, progreso ng nasyon, at harmonya ng ating mga lipunan.

Tinukoy din ni Xi na ang isang bansa ay binubuo ng mga pamilya. Kaya aniya, ang mga pangarap ng isang indibiduwal at ng ating mga pamilya ay kabilang sa mga pangarap ng bansa at nasyon.

Source: http://filipino.cri.cn/20210611/d65221c5-6b58-999f-221b-47555e13815a.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.