Maynila, napili ng OVP na pilot test area sa vaccine hub program

Ang lungsod ng Maynila ang napili ng Office of the Vice President na maging pilot test area ng kanilang vaccination hub program.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, sa Maynila nila sisimulan ang naturang programa, kung saan ang mga economic frontline workers ang gagawing prayoridad na mabakunahan laban sa COVID-19.

Sinabi ni Robredo na nakausap na niya si Mayor Isko Moreno upang mapadali ang inoculation efforts ng mga residente sa pamamagitan ng pagbabakuna sa loob ng bus.

Anang bise presidente, “Ipa-pilot na natin yung Manila City sa mobile vaccination para ipakita na it can be done. Nagta-time and motion study kami, naghahanap kami ng lugar na pwedeng gawan. Yung nagbabakuna hindi na kailangan bumaba sa sasakyan. Ang unahin namin ng ibang frontliners, non-medical frontliners na kailangan ng protection.”

Target nilang makapagbakuna ng hanggang 24,000 na katao gamit ang mobile hubs.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/07/2103590/maynila-napili-ng-ovp-na-pilot-test-area-sa-vaccine-hub-program

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.