40 milyong bakuna darating mula Hunyo hanggang Agosto

Inaasahang nasa 30 hanggang 40 milyong doses ng bakuna laban COVID-19 ang darating mula Hunyo hanggang Agosto.

Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, nasa 10 hanggang 11 milyong doses ng bakuna ang matatanggap ng gobyerno ngayong Hunyo kung saan kabilang ang 5.5 milyon mula sa Sinovac Biotech ng China at 1 milyon na dumating noong ika-6 ng Hunyo.

Bukod pa rito ang 1 milyong doses na darating sa ika-10 ng Hunyo; 4.2 milyong mula sa vaccine-sharing na COVAX Facility, kabilang ang 2 milyong Pfizer doses na darating din sa ika-10 ng Hunyo at 2 milyong AstraZeneca; 250,000 Moderna at 100,000 Sputnik V vaccine ng Russia.

Ayon kay Galvez, maaaring umabot na sa 400,000 hanggang 500,000 ang mabigyan ng bakuna kada araw sa susunod na buwan.

Hinikayat ni Galvez ang mga mamamayan na magpabakuna dahil ito ay ligtas at epektibo.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/08/2103869/40-milyong-bakuna-darating-mula-hunyo-hanggang-agosto

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.