Pagtaas ng COVID-19 cases sa labas ng NCR, magtatagal ng 1 buwan

Inaasahan ng independent OCTA Research Group na magtatagal pa ng isang buwan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa labas ng NCR.

Sinabi ni Professor Guido David ng OCTA na umaabot ng isa hanggang dalawang buwan ang nagaganap na ‘surges’ sa mga kaso bago maampat. Halimbawa nito ang nangyari sa Metro Manila at Cebu City na tumagal ng dalawang buwan bago napababa muli ang average na kaso kada araw.

Nitong ika-7 ng Hunyo, tinukoy nilang mga ‘areas of concern’ ang mga lungsod ng Cagayan de Oro, General Santos, Koronadal, Cotabato, at Davao dahil sa biglaang pagtaas ng mga kaso.

Halos dumoble ang mga kaso sa Koronadal, tumaas ng 54 porsyento sa Davao at 62 porsyento sa Cotabato.

Mas natatakot ang OCTA na ang pagtaas ng kaso ay magdudulot ng mataas na hospital occupancy rate kung walang gagawing kaukulang aksyon ang pamahalaan at suporta ng nasyunal na pamahalaan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/10/2104359/pagtaas-ng-covid-19-cases-sa-labas-ng-ncr-magtatagal-ng-1-buwan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.