14 milyong Pinoy, jobless noong Abril dahil sa lockdown

Sumipa sa 4.1 milyong Pilipino ang jobless noong buwan ng Abril ngayong taon.

Sinabi ng Philippine Statistics Authority na umabot ang unemployment rate sa 8.7 porsyento noong Abril kapareho noong Enero na may 3.95 milyong jobless Pinoy.

Batay sa month-on-month basis, mas mataas ang unemployment rate ng Abril kumpara sa 7.1 porsyento noong Marso na may kabuuang 3.4 milyong Pinoy na walang trabaho.

Iniulat din ng PSA na ang underemployment ng bansa ay umabot sa 17.2 porsyento nitong April 2021, mataas kung ikukumpara sa 16 porsyento noong Enero 2021.

Sabi pa ng PSA, ang Pilipinas ay nakapagtala ng “worst” unemployment rate noong 2020 na may 10.4 porsyento dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinasabing kapag nagpapatupad ng lockdown sa isang lugar sa bansa dahil sa pandemic, nangangahulugan din ito ng mas kakaunting trabaho para sa mamamayang Pinoy.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/09/2104097/14-milyong-pinoy-jobless-noong-abril-dahil-sa-lockdown

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.