64K health protocol violators naitala sa loob ng 1-linggo

Mahigit sa 64,000 community health protocols violations ang naitala ng Department of the Interior and Local Government sa bansa sa loob lamang ng isang linggo mula ika- 31 ng Mayo hanggang ika- 6 ng Hunyo.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan E. Malaya, mga 50,000 sa mga ito ay kaso ng non-compliance o hindi pagtalima sa pagsusuot ng face masks sa mga pampublikong lugar sa lahat ng pagkakataon.

Nasa mga 28,000 sa mga ito ang winarningan lamang; mga 17,400 ang pinagmulta; mga 3,400 ang ipinasailalim sa community service at mga 1,100 ang inaresto dahil sa regular filing ng mga kaso at inquest proceedings.

Mayroon ring naitalang mga 13,900 paglabag sa physical distancing at 613 kaso ng mass gatherings.

Ayon kay Malaya, ang naturang bilang ay malaki pa rin dahil mahigit isang taon na ang pandemya.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/11/2104619/64k-health-protocol-violators-naitala-sa-loob-ng-1-linggo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.