Xi Jinping, nagbigay-diin sa kahalagahan ng ekolohiya sa World Environment Day

Ipinadala noong ika-5 ng Hunyo ni Pangulong Xi Jinping ng bansang Tsina ang mensaheng pambati sa aktibidad ng World Environment Day na idinaos ng United Nations sa Islamabad, kabisera ng bansang Pakistan sa Timog Asya.

Tinukoy ni Pangulong Xi, na ang taong ito ay simula ng United Nations Decade on Ecosystem Restoration, at mahalaga para rito ang naturang aktibidad sa Pakistan na may temang “restorasyon ng sistemang ekolohikal.”

Binigyang-diin din ng Pangulo ng Tsina ang kahalagahan ng ekolohiya para sa lahat ng tao sa buong mundo. Dahil ito aniya ay may mahigpit na kaugnayan sa kasaganaan ng sibilisasyon ng sangkatauhan sa daigdig.

Dagdag niya, lubos na pinahahalagahan ng bansang Tsina ang harmony sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan, at ibinubuhos ang pinakamalaking pagsisikap para sa konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal.

Source: http://filipino.cri.cn/20210605/e06ec399-3703-e64e-d724-f8eb89ae904c.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.