MMDA nagpaalala sa basura para iwas baha ngayong tag-ulan

Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority na maging responsable sa pagtatapon ng basura para maiwasan ang posibleng pagbaha sa Kamaynilaan, matapos ideklara ng PAGASA ang tag-ulan.

Pahayag ni MMDA chairman Benhur Abalos, “Disiplina lang… ‘Wag tayong magtatapon ng basura sa maling lugar. Sa tamang lugar (lang), kung saan talaga sinasabi ng pamahalaan at sa tamang oras. Napaka-importante nu’n para pag-pick up, wala nang babara pa.”

Nakikipag-ugnayan na si Abalos sa mga lokal na pamahalaan para sa istriktong pagpapataw ng multa sa mahuhuling nagtatapon ng basura kung saan-saan.

Sabi niya, basura ang “number one cause” ng pagbaha sa Metro Manila dahil binabarahan nito ang mga drainage.

Kailangan din ang mahigpit na monitoring sa low-lying areas na madalas bahain gaya ng Araneta Avenue sa Quezon City, España sa Manila, Buendia South Superhighway, Manila City Hall, at Maysilo sa Mandaluyong.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/07/2103614/mmda-nagpaalala-sa-basura-para-iwas-baha-ngayong-tag-ulan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.